
Allan N. Derain
Si Allan N. Derain ay manunulat, visual artist, at guro. Awtor ng Iskrapbuk (shortlisted sa Madrigal First Book Award) na una niyang aklat ng mga maikling kuwento at Ang Banal na Aklat ng mga Kumag (Carlos Palanca Memorial Award Grand Prize, Loyola Schools Outstanding Scholarly Award, National Book Award, at Reader’s Choice Award) na una niyang nobela. Isinalin niya ang mga kuwento ni Guy de Maupassant sa koleksyong Ang Kuwintas at Iba pang mga Kuwento. Editor ng antolohiyang May Tiktik sa Bubong, May Sigbin sa Silong (Loyola Schools Outstanding Creative Work, National Book Award, at Gintong Aklat Award). Ang The Next Great Tagalog Novel at Iba pang Kuwento na ikalawa niyang aklat ng mga maikling kuwento ang pinakabago niyang libro (UP Press, 2019). Ilustrador ng Ang Diablo sa Filipinas ni Isabelo de los Reyes at ng kaniyang sariling nobelang Ang Banal na Aklat ng mga Kumag. Ang Tagolilong: Lipon ng mga Aswang, Diablo, at Kumag ang naging una niyang art exhibit na ginanap sa Pardo de Tavera Room ng Rizal Library noong 2015. Guro ng Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa Pamantasan ng Ateneo de Manila. Naging fellow for fiction ng LIKHAAN UP National Writers Workshop. Naging moderator ng Heights at Naratibo. Kasalukuyang direktor ng Ateneo Institute of Literary Arts and Practices (AILAP). Nagtapos siya ng kaniyang Doktorado sa Filipino-Malikhaing Pagsulat sa UP Diliman.

