Press Release

Pahayag ng CAP-Bicol Ukol sa Sunod-sunod na Red-Tagging ng NTF-ELCAC

Katangahan, kahipokrituhan at walang kwentang paggamit ng pondo ng bayan. Ito ang totoong repleksyon ng sunod-sunod na red-tagging ng NTF-ELCAC sa ilan sa mga eskwelahan sa bansa. 

Kahapon, January 26 ay naglabas ng pahayag ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTFELCAC) kung saan, pinaratangan nito ang 38 kolehiyo at pamantasan bilang mga pugad ng recruitment ng Communist Party of the Philippines (CPP), New People’s Army (NPA) at National Democratic Front of the Philippines (NDF). Tatlo sa mga pamantasang ito ay nasa Bicol: Ito ay ang Bicol University, Ateneo De Naga University at Saint Thomas Aquinas University na ngayon ay kilala bilang University of Santo Tomas-Legaspi na. 

Sa paglista pa lamang ng mga pangalan, mahahalata na tsinamba at hindi pinag-aralan ang listahang ito. Sa kabilang banda, kahipokrituhan ang hakbanging ito ng NTF-ELCAC na sabihing iniingatan lamang nila ang mga paaralan at mga estudyante laban sa mga terorista; samantalang sila ay patuloy na binobomba, pinapasara, hinaharas at ginagawang kampo ng mga militar ang mga paaralang lumad sa buong bansa. 

Ayon sa datos ng Save Our Schools (SOS) Network, simula 2016 ay nasa 178 eskwelahan na ang ipinasara ng estado dahilan sa militarisasyon. Sa panunungkulan ni Duterte ay nakapagtala rin sila ng 584 na kaso ng pang-aatake sa mga paaralang lumad; kabilang ang extrajudicial killings, sexual harassment, at iba pa. Katangahan din ang hakbangin ng NTF-ELCAC na ang nais ay humubog ng mga robot na estudyanteng magiging sunod-sunuran sa kanila kumpara sa mga mapanuri at progresibong mag-isip. Ang Academic Freedom ay isang pangunahing pangangailangan ng isang eskwelahan upang makahubog ng mga estudyante at mamamayang may pakialam at kalinga sa bayan. Ito ang nagbibigay kalayaan sa mga estudyante at guro na pag-usapan, pag-aralan at suriing maigi ang LAHAT NG BAGAY NANG MALAYA upang makakuha ng mga solusyon sa mga suliraning dulot o maaaring idulot nito. Ito rin ang nagbubunga ng mga bagong kaaalaman, pagbabago, imbensyon, batas, pananaliksik, atbp. HINDI maaring ikahon ng estado o makialam ang estado sa mga paaralan pagdating sa mga bagay na nais tuklasin, pag-aralan, at alamin ng mga estudyante dahil ito ay kanilang karapatan at inilalahad din ng ating konstitusyon at demokrasya.

Matatandaang pinawalang bisa ng Department of National Defense ang mahigit tatlumpong taon nang kasunduan nila sa Unibersidad ng Pilipinas na nagbabawal sa mga militar at kapulisan na pumasok sa UP NANG WALANG PAHINTULOT sa UP Admin. Ang UP-DND accord ay produkto ng malagim at matapang na kasaysayan ng mga estudyante ng UP kung saan, minsan sa ating kasaysayan ay maging ang mga eskwelahan ay nagiging lugar pandigmaan. Ito ang nais maiwasang maulit ng mga pamantasan. Ang eskwelahan ay lugar ng kapayapaan at kalayaan, subalit paano magiging mapayapa at malaya ang mga estudyante kung papaligiran na sila ng mga baril, militar, at kapulisan? 

Ang gawain ding ito ng gubyerno sa gitna ng pandemya kung saan ang mga estudyante ay WALA SA MGA ESKWELAHAN kundi nasa online class ay isang malaking KATANGAHAN at PAG-AAKSAYA ng PONDO NG BAYAN. Wala itong malinaw na batayan kung bakit nagpupumilit ang estado na makisawsaw sa mga paaralan sa panahong wala sa eskwelahan ang mga estudyante, maliban sa ibaling ang atensyon ng taumbayan at lituhin ang masa tungkol sa katiwaliang nagaganap sa gobyerno gaya ng isyu sa bakuna, Philhealth, ayuda, anti-terror law, dolomite, sobrang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at mabilis na paglobo ng UTANG ng bansa. Ang gawaing ito ng NTF-ELCAC ay mai-uugnay rin sa pagpapasa ng Anti-terror Law kung saan, hindi klaro, magulo at sobrang delikado ng mga batayan upang ituring ang isang tao bilang terorista. Kaakibat nito ay ang mga labag sa konstitusyon na parusa at proseso gaya ng warrant-less arrest, illegal detention, paniniktik o wire tapping, pag-freeze ng ari-arian at pagkulong nang habambuhay nang walang sapat na ebidensya at proseso. 

Mariing kinukondena ng CAP-BICOL ang hakbang na ito ng pamahalaan sa pamamagitan ng AFP at NTF-ELCAC. Ito ay lantarang palabas lamang at pagsasayang ng pondo ng bayan sa kabila ng matinding kahirapang dinaranas ng bansa dahilan sa pandemya. Kung nais tapusin ang digmaan ng pamahalaan at CCP-NPA-NDF ay hindi nila ito madadaan sa pananakot sa mga estudyante o mga pamantasan. Bagkus, ay kailangan nila itong ugatin sa pinakadahilan ng hidwaan– ang usapin sa lupa, industriyalisasyon, kahirapan, gutom, inhustisya, edukasyon at medical para sa lahat at walang tigil na pamamaslang. Kung may sapat na pagkain, lupa, tirahan, edukasyon at medikal na pangangailangan ang LAHAT ng Pilipino, walang sinuman ang tatahakin ang panganib ng pamumundok at paghawak ng armas upang ipaglaban ang kanyang karapatang mabuhay.

ITULOY ANG PEACE TALKS! 

DEFUND NTF-ELCAC! 

STOP THE KILLINGS! 

STOP RED-TAGGING! 

OUST DUTERTE NOW!

 #DefendAcademicFreedom #StopCampusMilitarization #ArtistsFightBack #HandsOffOurSchools #OustDuterteNow

Sanggunian:

https://www.rappler.com/moveph/lumad-schools-continue-to-suffer-closures-attacks-coronavirus-pandemic

https://www.rappler.com/moveph/story-of-the-nation-reasons-up-dnd-accord-matter

https://bit.ly/3qViPFv

# # #

Para sa karagdagang impormasyon:

capsorbicol@gmail.com

https://www.facebook.com/CAPBikol

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: