Hindi sili, huy,
At sa tsupon lang yung sili.
Uulingan ang dede
O dadampian ang utong
Ng pinagpakuluan ng ampalaya
Kung gusto mo talagang umayaw. Higit
Ang bisa kung mayroon pang isa
At mas bata.
Yaman din lang
At ating itinatangi
Ang daluyan ng pait.
Nagtuturo ng mga kursong pampanitikan si Dennis Andrew S. Aguinaldo sa Departamento ng Humanidades. Naging fellow siya ng mga palihan para sa malikhaing pagsusulat: sa AILAP, UST, UP, at IYAS. Inilathala online ang kaniyang mga piyesa’t collab sa Daluyan, Gnarled Oak, hal., Kritika Kultura, , Plural, Softblow, at iba pa. (May ilang imbak sa kaniyang blog: tekstongbopis.blogspot.com.) May-akda siya ng mga aklat na Shift of Eyes at Bukod sa maliliit na hayop.
Like this:
Like Loading...
Related