Tinipon nila kami at naging magalang yata sila.
Doon kami magpapaliwanag sa anino ng tiangge.
Ano raw kasi ang pinagsususulat namin.
Basahin naman nang malakas upang mapagsaluhan.
Kung kakiskisang-siko raw ba namin ang kalihim.
Dahil hindi, ipinakilala sa amin ‘yung kalihim nila.
Hindi namin nakita ‘yung buhok pero ano ngayon.
Hindi namin inasahang magiging maayos ang pag-uusap.
Inasahan naming malinis ang tiangge, at hindi kami
Nabigo. Hindi sila napatawa ng aming mga stroke,
Ngunit sinubukan nilang ikatuwa na bukas kami sa panayam.
Kung may dala raw kaming watawat, maliban sa mineral water.
Dahil wala, naglabas sila ng papel at nagsidrowing kami.
Naghugis buwan, ngunit nais ko kasing gumuhit ng buhok.
