Tula

Panambitan

Salamat, sa intensyong panghihimasok sa ‘king kaibuturan
Aking tainga’y nadinig ang magiliw mong pananambitan
Puso’y kumabog—tila mga maya-mayang nagliliparan
Kumakandirit; sa saliw ng Kundiman.

Sa ‘yong entrada; dahon mo’y nagsipaglaglagan
Tinangay ng bagwis patungong Kanluran
Kalakip ng mga lantang daho’y pasubaling nahahadlangan
Ng kaba; ng takot—sa Musang hinahangaan.

Hanggang ang mga daho’y nagsipaglapagan
Mala-kandilang daliri’y nasapal ang kalantaan
At sa pagsapo—siya namang nasumpungan
Tungong ulo mong pasilip-silip sa munting Kaharian.

Halika, at ang kamay ko’y hawakan
Pangamba’t pagdadalawang-isip; sandaling bitawan
Nakaukit na sa ‘kin—panunumbaling ‘di makakalimutan
Salamat—sa tulang saksi ng pagmamahalan.


Nagtatrabaho bilang freelance writer, layout artist, at website specialist sa Pampanga si Maria Kristelle Jimenez. Ilan sa kaniyang mga akda ay nakatanggap ng karangalan sa Saranggola Blog Awards at Gawad Digmaang Rosas. Ang kaniyang website na Espermarya ay panaka-nakang naglalabas ng mga libreng babasahin. Ang ilan sa kaniyang mga journalistic essay ay nailalabas sa Assortedge, Philippines Graphic, maging sa Vox Populi. Sa ngayon, tumatayo siya bilang isa sa tagapamahala ng KADLiT: Katipunan ng Alternatibong Dibuho, Liriko, at Titik. Siya rin ang kumakatawang founder-owner ng Rebo Press Book Publishing, Associate Editor sa Filipino ng Revolt Magazine, at Editor-in-chief ng Vox Populi PH. Maaring mag-iwan ng mensahe sa kaniya: mkcjimenez@revoltmagazineph.ink. Makipaghuntahan kay Maria sa Minds at MeWe.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: