Tula

Disyembre

Nais idampi ang pisngi
Sa iyong mga labi
Ngayong huling buwan ng taon.

Gusto ko sanang yapusin ang
Iyong mukha bago
Dumatal ang bagong taon.
Dito
Sa kutsong nilalapatan
Ng aking likod,
batid na ang himlayan
Ng aking huling
pagkakataon.

Lagi kong inaalala
Ang hugis ng iyong mga mata
Sa saliw ng mga aparatong
Nagpapanatili sa aking buhay.
Hindi malilimutan ang
Liwanag ng iyong ngiti,
Sabay sa kaunting ilaw
Sa puting silid
Na aking sinisilip.

Sa huling buwan nitong taon,
Giit kong hindi na tatagal.
Mapait man itong taon,
Matamis naman ang alaalang
Dadalhin sa huling buwan
Ng aking buhay.


Si Jomarie A. Vicente ay isang manunulat mula sa Lungsod ng Taguig. Siya ang may-akda ng aklat na “Takipsilim: Mga Tula ng Pagninilay sa Buhay at Pag-ibig.” Sa kasalukuyan, kumukuha siya ng kursong AB Literature sa San Beda University – Manila.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: