May takot na
umaalingawngaw
Sa pagitan ng haraya
At reyalidad.
May kung anong
Kaba sa bawat paalam
Na maririnig ng tainga.
Sa tuwing may namamaalam,
Nag-iisip kung gaano
Kahaba ang kandila ng
Aking buhay.
Pinagninilayan kung
Kailan gaano pa kalakas
Ang liyab,
O gaano pa kahaba ang
mitsa.
Sa tuwing may ihahatid
Sa huling hantungan,
Tanong sa sarili
Kung kalian
tatawagin
Sa aking himlayan.
Sa ganitong panahon,
Hindi ko alam kung
Mas gusto ko bang
Patayin ng lungkot araw-araw
Kaysa mamamaalam
Na nang tuluyan.
