Awts gege
Inis na inis na ako sa kapatid kong putak nang putak. Paano ba naman kasi, lagi na lang sumisigaw at nagrereklamo. Kahit makailang beses kong takpan ang tenga ko’y rinig na rinig ko pa rin ang kaniyang nakaririnding boses.
“Walang utak!”
“Bobo!”
“Hindi marunong mag-isip!”
“Magretiro ka na, Duter—”
Pak! Lagapak ng aking palad sa kaniyang pisngi. Magkabilang sampal ang kaniyang inabot sa aking pagkainis.
Hindi yata alam ni Kuya, isa rin ako sa kaniya: isang DDS.
Meganon?
“Sicut et nos dimittimus nostra!” (Forgive us our trespasses!)
“Et ne nos dibetoribus debitubis nostris!” (As we forgive those who trespasses against us!)
“Et ne nos indicus en tentionam!” (Do not lead us into temptation!)
“Sed libera nos a malo, amen!” (But deliver us from evil, amen!)
Mga panalangin ng arsobispong si Quiboloy na sinisisi ang LGBTQ+ community sa pagkakaroon ng climate change.
“Ama, patawarin Niyo nawa ang mga lapastangang bakla sa pagdadala ng iba’t ibang uri ng sakuna,” dagdag niya pa.
Terorismo
Sa kailaliman ng gabi may isang anghel na tumutugtog,
Hawak ang kaniyang harapan na sa aming tribo’y bumulabog.
Instrumentong naglalabas ng bala; sa aming katahimika’y yumugyog,
Kung kaya nama’y nahumaling ang aming tribo’t kapayapaa’y nakatulog.
Imbis na kasiyahan, kalungkutan ang siyang humagupit,
Dahas ang tinaglay sa oyayi na inawit!
Kalayaa’y tumatangis—kasarinla’y piniit,
‘Sang anghel na nagdala ng kapalarang mapait!
[Nagkamit ng Ikalawang Gantimpala sa ginanap na patimpalak sa Pagsulat ng Dagli (Finals) ng Vox Veritas. Ang pangunahing tema ng patimpalak ay mula sa deliberasyon nina Maria Kristelle Jimenez at Kayla Nicole Togonon.]
