Tula

Ibuka ang Tuka’t Magsalita

Kapara ng mga ibo’y nakapiit sa hawla’t pinipigil ang pag-alpas,
Iginupo ang kalayaan, dinungisa’t hinubuan ng mga talipandas
Silang ibong lumalaban sa karimlan ngunit nilatayan ng latigo’t dahas,
Walang kabatiran kung paanong sa bagsik ng despotismo tatakas

Mga lagaslas ng tinig hindi dinarangog bagkus isinawata,
Pilit na dinarakip nitong sukab na tuta at pasista
Kailan kaya matitikman ang tunay na lasa ng pag-asa,
Kung patuloy pinauulanan ng sabari ng pandudusta?

Hayaan sanang buksan ang kanilang mga tuka,
Huwag diktahan ang tayog ng lipad nila,
Hindi boses ng katotohanan ang dapat kinikitil,
Kundi ang walang-habas na pagpapatahimik at panunupil

#DefendPressFreedom


Carl Angelo Cagatin is a campus journalist and a poet. At a young age, he already discovered the magic of literature. He started writing articles at the age of 11. To exercise his skills in writing, he joined various writing contests that sometimes bring him to the peak of triumph. Carl uses his pen as his voice to fight against tyranny because he believes that our pens are the keys to lose the fetters manacling us. In fact, most of his poems tackle today’s issues. Majority of his poems are written in Filipino, while his articles are in English. Aside from writing, he also loves to read English novels.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: