Tula

Ang Dalaga at ang Kanyang Tatay

Ang bawat araw ay pagkakataon
na ikamatay niya ang pagkakabihag;
kung pang-ilang lalaki na ito,
‘di na niya maalala. Ang kanyang pangalan
ay nalunod na sa sariling mga sigaw
at pagtangis sa walang katagul-gatol
na panghihimasok. Tuloy lang kayo,
sabi ng kanyang ama na gustong pakasal
ang naghihingalo nang yaman
ng kanilang angkan na sinamsam
na ng mga lalaking nagdaan–
at itong huli, may dala pang sakit.
At ngayon, sa kahubdan ng dalaga,
pinagpapawisan ang bawat pulgada
ng balat, nanginginig ang mga rehiyon
ng kalamnan, at mahapdi ang mga sugat
na tila wala nang paggaling, nakangiti
siyang pinagmamasdan ng kanyang tatay
na nagwikang: Dapat ako ang nauna!


Nagtapos si Joshua Alejandro C. Diokno ng BA Araling Pilipino noong 2008 at kasalukyang nag-aaral sa ilalim ng programang MA Araling Pilipino sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Isa siyang Fellow sa Ika-4 na Palihang Rogelio Sicat (PRS) at Ika-3 Cavite Young Writers’ Workshop. Hilig din niya ang weightlifting at pagte-train sa Boxing, Muay Thai, at Yaw Yan (Sayaw ng Kamatayan). Nangongolekta din siya ng komiks, action figures, at statues na hindi kayang bilhin ng sinasahod niya bilang isang Senior Content Writer sa isang BPO company sa Makati. Kung makabibili man siya, inililihim niya ito sa kaniyang girlfriend. Kasalukuyang naninirahan si Joshua sa isang maliit na apartment sa Makati kasama ang isang pusang banlag.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: