Regional Tula

Sa Punta sang Amakan nga Kanyon

On November 5, 1898, peasants and laborers led by Gen. Aniceto Lacson, Timoteo Unson, Simon Lizares, and Gen. Juan Araneta marched into Bacolod carrying nipa palms that appeared like rifles with attached siantong (long-bladed bolo) that looked like a bayonet; and cannons made of rolled mats of Amakan or woven bamboo splints or flattened bamboo nodes that appeared to be cannons mounted on wheels which led to the surrender of Spanish colonialist forces on November 6, 1898.

Varona 1938, 85-87; Cuesta 1980, 443-46. In Cruz-Lucero, Rosario, Doreen.G. Fernandez, John E. Barrios, and Jeffrey Yap. 2018. “Ilonggo.” With contributions by E. Arsenio Manuel, Ramon Obusan, Fernando N. Zialcita, Arbeen Acuña, and Rene Trance. In Our Islands, Our People: The Histories and Cultures of the Filipino Nation, edited by Rosario Cruz-Lucero.

Indi bala ang nagtublok
kon indi ang kaisog nga nagpagkit
sa naga-aso nga kahawaan
sa tiilan sang Kanlaon.

Indi siantong ukon baslay
ang nagisi kag nagpihak
sing mapintas nga tagipusuon
sang mga mapiguson.

Indi dugo ang nag-ilig
sa kalog, sa suba, sa talamnanan
sa tuburan sang paglaum
sa gikab sang kahilwayan nga ginahandum.

Naglanog ang tingog
sang amakan nga kanyon.
Nag-aso, bumuga sang kalayo
sa mga mananakop, sa mga dumuluong.

Indi dugo ang ginbunyag,
indi lawas ang nangin abono
sa liso sang paglaum
sa gútok sang kahilwayan.

Kon indi

ang singgit sang katawhan,
ang kaisog sa paghiliusa,
ang kabaskog sa pihak sang katalaw,
ang kaláyo sa putli nga kasingkasing.

Kaangay sa kadalag-an
sang mga Negrense,
sang mga mangunguma.


Sa Dulo ng Amakang Kanyon*

Hindi bala ang tumusok
kung ‘di ang tapang ang umukit
sa umuusok na kalawakan
sa paanan ng Kanlaon.

Hindi siantong o pana
ang pumunit at bumiyak
sa malupit na puso
ng mga walang awa.

Hindi dugo ang umagos
sa bambang, sa ilog, sa mga palayan
sa bukal ng pag-asa
sa yungib ng kalayaang inaasam.

Umalingawngaw ang boses
ng amakang kanyon.
Umusok, lumuwa ng apoy
sa mga mananakop, sa mga dayuhan.

Hindi dugo ang idinilig,
hindi katawan ang naging pataba
sa butil ng pag-asa
sa supling ng kalayaan.

Kung ‘di

ang sigaw ng masa
ang kagitingan sa pagkakaisa
ang lakas sa kabila ng karuwagan
ang apoy sa pusong dalisay.

Kagaya ng pagwawagi
ng mga Negrense,
ng mga magsasaka.

Ngayon

hindi kailangan ang talim ng siantong,
kumikinang na kanyon, o
dugong magmumula sa ugat
ng maralita, ng mga inalipin.

Malulupig ang hilaw na makapangyarihan
ang mga alipin ng kasakiman
sa lakas ng mga manggagawa
ng mga inaalipin

sa nagliliyab na galit
sa dulo ng amakang kanyon.

*Salin sa Filipino


Orland Agustin Solis is currently pursuing a BA in Literature at the University of the Philippines Visayas. His writing has appeared in “Nonrequired Reading in the Time of COVID-19 (Volumes 2 and 3)” from Kasingkasing Press and in “Talinghaga ng Lupa: Mga Tula” by Gantala Press.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: