Tula

Delta

Sa labas ng gusali
Kung saan ako nagtatrabaho
Tuwing sasapit ang tanghali
Marami kang makikitang naninigarilyo
Kitang-kita mo ang usok
Na parang kaluluwa nilang
Lumalabas sa bunganga
Minsan nandoon din ako
Kapag hindi na makapagpigil
At kapag gusto munang magpahinga
Magyoyosi kasama ang hindi kakilala
Pinalilipas ang oras sa umuusok na bagay
Nakatutulong naman sa aking palagay


Si Jhofil Mahilum ay nakatira sa Mapulang Lupa, Valenzuela City. Nagtapos siya ng BS Accounting Technology sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela. Kasalukuyang pinuno ng Damdaming Nakapaskil, isang maliit na grupo ng mga nagtatanghal at nagsusulat mula sa Valenzuela City; Meycauayan, Bulacan; at may ilan ding taga-ibang lugar. Marunong siyang mag-pass sa tagay pero hindi sa pagsubok ng buhay.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: