“Fathers are the flies of this world.” –Yukio Mishima Sinabi na ngang nilangawang pagkain sa mesa kagabiat mga uod iyang nakikita mongkumikislot sa laman ng isdangayong umaga. Bakit hindi ka na sumasagot?Hinihintay kong magpanting muliang tainga ko.Bakit mo hahayaangmaging tila langawakong umuugong, nanginginigat ipinalilibot ang sarilisa hindi inaasahang Katahimikan ng bahagya mong pagyukoAt hakbang mong […]
“Fathers are the flies of this world.”
–Yukio Mishima
Sinabi na ngang nilangaw
ang pagkain sa mesa kagabi
at mga uod iyang nakikita mong
kumikislot sa laman ng isda
ngayong umaga.
Bakit hindi ka na sumasagot?
Hinihintay kong magpanting muli
ang tainga ko.
Bakit mo hahayaang
maging tila langaw
akong umuugong, nanginginig
at ipinalilibot ang sarili
sa hindi inaasahang
Katahimikan ng bahagya mong pagyuko
At hakbang mong walang tunog
Nang walang imik mong itinapon
Ang bulok na ulam sa basurahan?
Si Nikki Mae Recto ay lumaki sa Arkong Bato, Valenzuela City. Nagtapos siya ng BS Accountancy sa Polytechnic University of the Philippines at kumuha ng Sertipiko sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa parehong pamantasan. Naging fellow siya ng Tula sa Valenzuela Writers’ Workshop 2019. Isa siyang ganap na kasapi ng Valenzuela Arts and Literary Society (VALS) at Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA). Isa rin siya sa mga kasapi ng Atsara Collective na naglunsad ng Quickie: Drive-in Stories (2018). Hilig niyang magbasa ng libro, maglakad-lakad at kulitin ang mga alaga niyang pusang si Mingming at Mimo.
Like this:
Like Loading...
Related