Mali kang nag-aakalangIkaw ay tinitingalaAt bawat kislot sa iyong mukhaAy ipinagbubunyi’t sinasamba—Ikaw na nakangisingNagkandado ng pinto’tHinilig ako sa dungisAt lagkit ng dingdingIkaw na pinaknitAng permiso ko’t damitIkaw na humalikNang humalikHanggang ako’y magulanit Dahil hawak kita sa kung saanHawak ko’ng buo mong katauhan Pasusunurin ko’t gagawing utusanAng ulo mo’t katawan Kay dali mo namang hinganng pikit, […]
Mali kang nag-aakalang
Ikaw ay tinitingala
At bawat kislot sa iyong mukha
Ay ipinagbubunyi’t sinasamba—
Ikaw na nakangising
Nagkandado ng pinto’t
Hinilig ako sa dungis
At lagkit ng dingding
Ikaw na pinaknit
Ang permiso ko’t damit
Ikaw na humalik
Nang humalik
Hanggang ako’y magulanit
Dahil hawak kita sa kung saan
Hawak ko’ng buo mong katauhan
Pasusunurin ko’t gagawing utusan
Ang ulo mo’t katawan
Kay dali mo namang hingan
ng pikit, ungol at nganga!
Ikaw na talaga
Ang paborito kong manyika.
Si Nikki Mae Recto ay lumaki sa Arkong Bato, Valenzuela City. Nagtapos siya ng BS Accountancy sa Polytechnic University of the Philippines at kumuha ng Sertipiko sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa parehong pamantasan. Naging fellow siya ng Tula sa Valenzuela Writers’ Workshop 2019. Isa siyang ganap na kasapi ng Valenzuela Arts and Literary Society (VALS) at Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA). Isa rin siya sa mga kasapi ng Atsara Collective na naglunsad ng Quickie: Drive-in Stories (2018). Hilig niyang magbasa ng libro, maglakad-lakad at kulitin ang mga alaga niyang pusang si Mingming at Mimo.
Like this:
Like Loading...
Related