Diri ika magtamyang1
sa katoninongan ka gab’ing mauran
ta mantang ngamin kita pigrurukay
paiyan sa kin uno man na masisirungan,
nagkukusog sira sa kaluyahan tang adi
na marupit sa uran.
Nagluluwas sira sa tinampo
mantang kita nagtatarago
sa init ka kanatong mga baluy
uda kitang kusog sa pagbagunas ka langit.
Rugaring nira a mga gab’ing arog kadi
ta tapayason kita sa ngitngit.
Talingkas sirang naririkurida
sa barisbisan2 ka kanatong katoninongan
ta palsok a kanatong mga mata.
Ngula a kanatong mga ayam
sa lumok ag imbong ka lulukwan na gumit.
Pugong a kanatong mga talinga
ta pagal na sa oroaldow na bareta sa guraanan,
tarabanan ag kalamidad.
Uda na kitang kusog sa bitnga
kading mga adi alagad mas uda kitang kusog
kin itutugot tang iba a magiwag para kanato.
A isog ka paraguraan
naggigikan sa katamyangan ta
ag sa takot tang sabaton a uran sa gab’ing mangitngit.
1. Barisbisan – outskirts, margin
2. Katamyangan – being lax, unmindful
Ang Berdugo*
Huwag kang pakakasiguro
sa katahimikan
ng gabing maulan
dahil habang lahat tayo’y
binubugaw patungo
sa kung ano mang
masisilungan, lumalakas
sila sa kahinaan nating
ito na mabasa sa ulan.
Lumalabas sila sa daan
habang tayo’y nagtatago
sa init ng ating mga bahay
wala tayong lakas sa pagbuhos
ng langit. Pag-aari nila
ang mga gabing tulad nito
dahil duwag tayo sa dilim.
Malaya silang gumagala
sa barisbisan ng ating katahimikan
dahil pikit ang ating mga mata.
Tahimik ang ating mga aso
sa lambot at ligamgam ng higaang basahan.
May pasak ang ating mga tenga
dahil hapong-hapo na
sa araw-araw na balita ng patayan,
nakawan at kalamidad.
Wala na tayong lakas sa gitna
ng mga ito ngunit mas wala tayong lakas
kung ipapahintulot nating iba ang kumilos
para sa’tin.
Ang tapang ng mamamatay
ay nagmumula sa katamyangan
at takot nating salubungin ang gabing madilim.
*Salin sa Filipino
