Kin mabayad sana ni Luna a mga guraanan
sa parteng adi ka kinaban, baad mas dakulo pa
sa na una niyang obra a kanyang mauuman.
Baad mas mangitngit adi ag mas sagum sa rugo
na bagana tubig na sanang pinapabulos
sa mga sementadong raran ka syudad.
Mas mapula gayod a kanyang obra.
Mas makangirhat gayod a uda irak na pagguyod
ka mga lumbod na awak ka mga pigbabalubagian.
Mas magubat gayod a lambang pagguyod ka mga awtoridad
ta kaiba kading ginuguyod a ngamin na pangaturugan
na diri na mapapangyari.
Pauno niya pagkakaniguon sa upat na kanto ka kanbas
a kamunduan ka mga nabayaan na pamilya?
A mga unga na uda kasimbagan?
A pagmundo ka bilog na nasyon?
Mas malalata gayod a mga awak ka mga ginuraan
ta uda pundo a pasurusangli ka istorya
kin nagtumang o diri.
Pauno ta aatubangon a magigin obra ni Luna
kin nabuhay iya sa panawon na adi sa nagbuburubalyong boot?
matiurungan ta daw a rumarom na kolor kadi
ag a mga paghigdan na diri nappupotol?
Ngamin kita kaiba sa magigin obra ni Luna
kaibanan ka ngirhat ag lundok na diri maipipinta.
Spoliarium*
Kung makikita lang sana ni Luna ang mga pagpaslang
sa bahaging ito ng mundo, marahil ay mas malaki pa
sa nauna niyang obra ang kanyang malilikha.
Marahil ay mas madilim ito at mas tigmak sa dugo
na parang tubig na lamang na pinadadaloy
sa mga sementadong daan ng siyudad.
Mas mapula siguro ang kanyang obra.
Mas nakakahilakbot siguro ang walang awang pagkaladkad
sa mga murang katawan ng mga pinagbintangan.
Mas mabigat siguro ang bawat paghila ng mga awtoridad
dahil kasama nitong hinihila ang lahat ng mga pangarap
na hindi na matutupad.
Paano niya pagkakasyahin sa apat na sulok
ng kanbas ang kalungkutan ng mga naiwang pamilya?
ang mga katanungang walang kasagutan?
Ang pagluluksa ng buong sambayanan?
Mas lila siguro ang mga pasa ng katawang pinaslang
dahil sa walang humpay na pagpapalit-palit ng kwento
kung nanlaban o hindi.
Paano natin haharapin ang magiging obra ni Luna
kung nabuhay siya sa panahong ito ng nagbabago-bagong loob?
Matitigan kaya natin ang malamlam na kulay nito
at ang mga di natutuldukang pagaagaw-buhay?
lahat tayo’y nasa magiging obra ni Luna
kasama ng hilakbot at kalungkutang kainlanma’y
hindi maipipinta.
*Salin ng may-akda mula sa orihinal na Bikol-Rinconada
