Tula

Buldoser

Isinaboy ng makinaryaAng mga bubog ng iyong alaalaSa aspaltong kinatatayuan.May bagong tayo nang pabrikaSa dati mong tahanan. Napakahaba ng pamamaalamSa napakaikling kaparangan.Namimingaw sa hantunganAng nunal ko sa talampakan. Walang mapagsidlan ang giyagisNa pumupugad sa tiyan,Dahil noon pa’y nakasandig naAng haraya ng kaluluwaSa monumento ng kinagisnan. Saan ko hahanapin angHeograpiya ng gunitaNa kasabay na tinibagNg pagbuldoser […]

Isinaboy ng makinarya
Ang mga bubog ng iyong alaala
Sa aspaltong kinatatayuan.
May bagong tayo nang pabrika
Sa dati mong tahanan.

Napakahaba ng pamamaalam
Sa napakaikling kaparangan.
Namimingaw sa hantungan
Ang nunal ko sa talampakan.

Walang mapagsidlan ang giyagis
Na pumupugad sa tiyan,
Dahil noon pa’y nakasandig na
Ang haraya ng kaluluwa
Sa monumento ng kinagisnan.

Saan ko hahanapin ang
Heograpiya ng gunita
Na kasabay na tinibag
Ng pagbuldoser sa lupa?
Maski ang lumang bisikletang
Pinalipad tayo sa kabukiran
Ay di ko na matagpuan.

Walang patid kong pipilitin ang talukap
Na palitawin ang iyong lumang tirahan
Kung nadadaya lang ng pagkurap
Ang nagiba nating kasaysayan.


Si Nikki Mae Recto ay lumaki sa Arkong Bato, Valenzuela City. Nagtapos siya ng BS Accountancy sa Polytechnic University of the Philippines at kumuha ng Sertipiko sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat sa parehong pamantasan. Naging fellow siya ng Tula sa Valenzuela Writers’ Workshop 2019. Isa siyang ganap na kasapi ng Valenzuela Arts and Literary Society (VALS) at Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA). Isa rin siya sa mga kasapi ng Atsara Collective na naglunsad ng Quickie: Drive-in Stories (2018). Hilig niyang magbasa ng libro, maglakad-lakad at kulitin ang mga alaga niyang pusang si Mingming at Mimo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: