With the elite going over to the Americans, there developed in Negros a civil war that was virtually a class war. Although other groups operated briefly, the brunt of the resistance was borne by the Babaylanes… led by Papa Isio.
History of the Philippines, Renato A. Constantino (1975)
Ibinubulong ng ihip
Amihan, ng lagaslas ng ilog,
Ng dagundong ng bulkan:
Tahakin ang landas ng Babaylan.
Landas, hindi
Nang pagtangan ng luya’t tawas,
Pagsukbit ng lana’t kamangyan
O pagkuwintas ng agimat;
Landas, hindi
Nang pangingiusap sa mga diwata
At tamawo o pagpapaamo
Ng Bakunawa at mga Ilahas;
Bagkus
Landas ng Babaylan
Na mga ugat ay taglay ang daluyong
Ng dugo ni Dionisio Magbuelas—
Papa Isio, rebolusyonaryo.
Sapagkat higit sa pandemya,
Rehimeng kanser ang ating inda’t dusa,
Higit sa lahat ng lunas
Ang aklas!
