Ang pagdating ni Ambo
Sa lupain ng mga labuyo
Na Waray at Bikolano,
At habang hinihintay ko
Siya sa bayan ni Sáro1,
Mainit-matapang na barako
Ang ibinuhos ko sa aking apdo,
At habang ako’y nakaupo,
‘Di maiwasang bilangin ng aking ulo
Kung ilan pa ang mamamatay na tao
Sabay sa lawiswis ng hanging San Leonardo2
At pahina ni Zhivago3.
1. Tumutukoy sa tapayan na yari sa luwad, at mabilis at maliksi. Palayaw ito ng Pambansang Alagad Ng Sining Para Sa Literatura na si Lázaro Francisco.
2. Isang bayan sa Timog na bahagi ng Cabanatuan, Nueva Ecija. Malapit ito sa bayan ng Gapan, Nueva Ecija.
3. Doctor Zhivago. Nobela ni Boris Pasternak na nagwagi ng Nobel Prize For Literature noong 1959.
